Wednesday, March 14, 2012

OFWS

ang mga OFW ay maituturing na bagong bayani ng ating bansa pero sila rin ay isa sa dahilan kung bakit naghihirap ang bansang pilipinas ngayon dahil mas inuuna nilang makapaghanapbuhay sa ibang bansa kaysa dito kung saan nila nakuha ang kanilang mga diploma. mas naibabahagi nila ang angking galing na meron sila doon sa mga banyaga na dapat sana ay dito saatin para tumaas ang ekonomiya ng ating bansa.

problema sa edukasyon

ang bansang pilipinas ay tunay ngang matatalino,malikhain at mapamaraan.pero saan nga ba napupunta ang mga talentong ito?
dahil sa kakulangan sa paaralan at mataas na matrikula, napipilitan ang ilan sa ating mga kababayan lalo na ang kabataan  na tumigil sa pag-aaral at maging isang dakilang tambay nalamang pero marami namang humihinto sa pag-aaral upang makatulong ng maaga sa magulang. sila ay maagang naghahanapbuhay upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. 

kakulangan sa pagkain

dahil sa mabilis na paglobo ng populasyon ng ating bansa. maraming lugar lalo na sa mga probinsya ang nagkukulang sa pagkain. maraming pilipino ang hindi nakatatanggap ng sapat na suporta sa pamahalaan. isang dahilan din ng kakulangan sa pagkain ay ang korap na pamahalaan dahil imbis na sa ating mga mamamayang pilipino mapunta ang kaban ng bayan ay sa kanilang bulsa mo ito makikita.marami naman tayong maaring pagtamnan ng pagkain pero ano ang ginagawa ng pamahalaan, hinahayaan nilang magtayo ng mga gusaling pang negosyo ang mga dayuhan na nagiging dahilan ng kakulangan sa lupang dapat sana'y ating pinapakinabangan at pinagtatamnan.

paglaki ng populasyon RH-Bill

     ang pilipinas ay isa sa mga nangungunang bansa na malaki ang populasyon.ano nga ba ang sanhi nito? bakit nga ba hindi ito mapigilan ng pamahalaan?
     ngayong taon ay mahigit 94 na milyon na ang populasyon ng ating bansa.dahil sa labis na paglaki nito taon-taon marami ng pinanukala ng batas ngunit hindi parin naisasakatuparan. isa na rito ay ang RH-bill. ito ay ang paggamit ng mga contraceptive sa pakikipagtalik upang mapigilan ang pagbuo ng bagong buhay pero ang simbahang katoliko ay taliwas dito dahil para sa kanila hindi ito makatarungan dahil ito raw ay kumikitil ng buhay na kung saan ay nakasaad sa 10 utos ng diyos na huwag papatay.makikita dito na ang bansang pilipinas ay bansang walang pagkakaisa maging sa paggawa ng mga bagong batas.
     

korupsyon



saan nga ba tutungo ang bansang Pilipinas kung ang pamahalaan na siya mong hinalal ay siya ring ganid na nagnanakaw ng kaban ng bayan. 
     marami sa ating pamahalaan ay nasa oposisyon.sila ang mga taong ating pinagkatiwalaan at hinalal upang mapaganda ang estado ng ating bansa pero sila pala ang mga ahas na unti unting sisira sa imahe ng pilipinas. sila ang mga taong walang ginawa kundi magpayaman at unahin ang sarili bago ang bansang dapat pinaglilingkuran. isa lang ito sa suliranin ng ating bansa.